Sunday, July 3, 2016
Don`t panic, it`s organic? naw
Hi ako nga pala si Julz. May gusto lang ako i-share sa inyong kwento, tungkol to sa na experience ko nung nagtake ako ng drugs na kung tawagin e "Magic Mushroom". Para sakin kakaiba to, kumabaga iba sya sa mga na take ko na. Oo aminado akong isa akong drug user. Pero di naman ung tipong lahat ng drugs na subukan ko na. Ang mga natatry ko palang e ung weed, marijuana kung tawagin ng iba tsaka itong shrooms na to. Pero never kong sinubukan ang drugs na shabu. Wala lang, iba kasi side effects non para sakin kapag na lulong ka na don. Magiiba ugali mo tas papanget ka, tas ang pinaka masama e pwede kang mabaliw. Kaya ko nasabi yon kase madami na kong nakikitang nagkakaganon. Pero ang weed may side effects din kapag nasobrahan kana. Yung tipong magiging makakalimutin ka, ganon kasi nangyayari sakin minsan e. Pero mas safe siya kesa sa drugs na shabu. Open minded kasi ako pagdating sa mga ganitong bagay. Di ako yung klase nang tao na mabilis manghusga. Para sakin kasi, lahat ng bagay may dahilan kung bat mo ginagawa yon at bat mo nagawa iyon. Ang gulo diba? hahaha. May mga tao kasing kaya lang nagtatake ng mga ganto, eh para maibsan ung lungkot na nadarama nila, O di naman kaya e para makalimot sa problema. Parang ako, gumagamit ako ng weed for recreational purposes. Para di ko maisip yung mga bagay na nakakapag palungkot saken. Tulad ng pagibig hahaha. Taena mabalik na nga lang tayo don sa "Magic Mushrooms" yon naman talaga dahilan kung bakit ko ginawa tong blog na to e. Ang "Magic Mushrooms" kase may subtance na kung tawagin e psilocybin. Kumbaga sa sigarilyo e nicotine at sa marijuana naman ay THC o (tetrahyrdacannabinol). Ang psilocybin ay isang uri ng substance na nakakaapekto sa utak ng tao na kung saan ay nagkakaroon ka ng hallucination kapag nasa trip kana at tumatagal ito ng halos 6 na oras dipende sa dami ng nakain mo. Naiiba rin neto ang visions mo, yung parang lahat nang bagay sobrang linaw tas buhay na buhay. Mahirap intidihin to kasi di mo pa na tatry, pero kung ako sayo magdalawang isip ka muna bago mo testingin to. Research tas tanong tanong ka sa mga taong nakapagtake na. Para mas malinawan ka. Simulan na nga natin ang kwento ko, putcha dami kong sinasabe no? hahahaha. Sige eto sisimulan ko na yung naging karanasan ko sa drugs na ito. Isang araw, may nagchat sa akin na tropa. Syempre usuall nagaaya ng smoke ng weed tas tagay bukod pa nun may kasama pa daw silang tropa na mga babae. Nung una tumanggi ako kase parang tinatamad akong lumabas ng mga araw na yon. Tsaka alam ko naman kung bat nila ko inaaya e, alam kasi nila na marami akong weed nung araw na yon. Gusto nilang pa smokin ng weed yung mga bago nilang kilala na babae. Pero di ako pumunta nung araw na yon. kahit na nagtampo sila sakin. Dedma lang ako haha, Naiinis kasi ako kapag nakakakita ako ng ganon e. Yung tinatake advantage nila yung babae. Pagpinaghalo mo kasi yung weed at alak siguradong tumba ka, lalo na kapag first time mo. Lumipas ang isang linggo tas nag chat nanaman tong si tropa. Ngayon naman wala ng kasamang girls kami kami lang daw. Dun pumayag na ko sa aya nila sakin. Pag dating ko don halos mauubos na nila ung 2 litro ng Empoy kaya medyo may amats amat`s na sila. Tas may napansin akong bagong mukha. Di ko siya kilala, tas may napansin akong kakaibang bagay sa kanya. Isipin mo di sya umiinom pero parang ang lakas ng tama nya. Yung tipong iba ang tingin nya sa mga bagay bagay. pero kapag kinausap mo siya matino naman ang sagot nya sayo. Edi natapos na kaming mag shot, nilabas ko ung dala kong weed na nakabalot na parang yosi. Joint ang tawag ko sa ganon, pang let`s call it night namin, pampatulog kasa wala na rin naman iniinom at pauwi narin kaming lahat non. Habang sinisindihan namin yon syempre pasa pasa kami. tas nung inabot ko na sa kanya di nya kinuha kase oks na daw sya. Tas biglang naglabas siya ng ziploc na may laman na parang ewan. kulay itim tas parang mukang tae ng kambing tsaka medyo mapanghe. Sabi nya shrooms daw yon, mas maganda daw ang amats kesa sa sinisindihan naming weed. Pero walang sumubok sa miski isa samin. kase lahat kame medyo lasing na din pang tulog na. Kinabukasan bumalik yong lalaking yon kasi may naiwan daw sya don sa bahay na pinaginuman namin. Nung araw ding yon nag chat ulit sakin si tropa nag aaya na testingin daw namin yung dala nyang shrooms. Pumunta ko don pero di ko sinubukan, sila muna pina testing ko para malaman ko kung ano magiging epekto sa kanila. Kinain nila yung mapangheng shrooms. tas pagkalipas ng mga halos kalahating oras umepekto na sa kanila. Iba-iba sila ng naging trip yung iba nagkukwento ng mga bagay na naranasan nila nung bata sila. parang nag faflashback daw yung mga pangyayari. naaalala nila kahit ilang taon na ung lumpias na parang kahapon lang daw ng yari. yung iba naman pag napapatingin sa pader o di naman sa dingding e natatakot. basta sa lahat. sa mga puno,halaman lalo na mga painting. sinasabe nila parang buhay daw yung painting. may naka display kasing painting sa bahay na yon. Di ako na enganyo subukan nung mga araw na yon. kaya pag uwi ko nag research ako tungkol sa shrooms na yon. tas natuklasan ko na madali lang pala makakita non kasi tumutubo sya sa tae ng baka. pero ang nakakatakot don e mas maraming shrooms ang nakakamatay kase may dalang lason ung iba. Sinabe ko ngayon don sa tropa ko kung ano nalaman ko tungkol don. tas isang araw naisipan nyang mag hunt ng ganon. Nakakita naman sya pero bago nya kainin pinakita nya muna don sa isang tropa nya may alam sa ganon. sabi nya yon nga daw yon. edi nag hunt pa kami ng mas marami. nakakuha kami ng mga halos 40grams ng shrooms na kung saan saang tae ng baka namin nakuha. nung natapos na kami mag hunt bumalik na kami don sa bahay nila. Pagbalik namin don, ako agad ang gusto nilang ma testing kasi daw di ko pa daw na tatry. Nagdadalawang isip pa ko non kase base sa mga naresearch ko tungkol don. may iba iba daw trip. Yung trip na maganda na di nakakatakot at yung badtrip na nakakatakot na kung saan e matatakot ka sa mga makikita mo kapag nakapagtake ka non. Dipende sa magiging hallucination mo. Edi eto na ako unang nag try ng mga nakuha namin. sabi daw kelangan makakain ka muna ng mga halos 10grams ng shrooms bago ka taaman nito. Nung una di ko alam kung pano ko kakainin kasi di naman ako kumakain ng ganon. Gulay nga nasusuka ko pag nananakain ako e. yun pa kaya na medyo mapanghe tas kakainin ko pa? shiiit hahaha. Naghanap ako sa bahay nila ng pwede kong ihalo don para malawa yung lasa at yung amoy. nakakita ako ng bote ng honey. tas yon pinagdikit dikit ko ung mushrooms hanggang maging hugis bilog tas tsaka ko sinawsaw sa honey. nung unang lunok ko medyo na suka ko kaya nailuwa ko. tawang-tawa nga sila sa muka ko non e. kase muka daw akong bata na pinakin ng gulay tas nasuka hahaha. kaya pangalawang subok ko sinabayan ko na ng tubig para rekta lunok na agad. nung nakain ko na, pinapakiramdaman ko ung sarili ko kung umeepekto naba sakin. tas maya maya nag aya yung tropa ko na bumili sa puregold ng makakain tsaka ng alak. Meron silang alagang aso non sa bahay nila. Siguro mga halos 1yr old na yon, medyo maliit pa yung aso. sinama nya yon nung bumili kami sa puregold. medyo matagal tagal din kaming naglakad. mga 20 mins siguro yon. Nung nakarating na kami don, iniwan nya sakin yung aso nya. pero walang tali, nakawala lang sya tas sumusunod sunod lang samin. bawal kase aso don sa loob kaya sakin nya iniwan tas sya nalang ang pumasok sa loob. Medyo na pagod din ako non kaya naghanap ako ng mauupuan. may nakita akong upuan don sa may harap. dun ako umupo at tumambay habang naghihintay. nung una nasa tabi ko lang ung aso. nakadikit sakin kasi mahilig dumikit yon sa tao tas hihiga. di ko namalayan na may aso palang dumaan tas sinundan nya. Habang nakaupo kasi ako don, di ko namalayan na pumutok na pala yung amats ng shrooms. yung tipong may mga nagfaflashback sakin na mga alaala. Nakatitig ako sa building ng puregold non. naaalala ko kase na dati isang malawak na lupa lang yon tas shortcut papunta sa subdivision namin. tas naalala ko din na don ako madalas tumambay pag nag cucutting ako nung highschool. may comshop kasi don na 24 hours kaya kahit umaga palang bukas na sila. Tas habang nakatingin ako dun sa building bigla kong napansin yung sulat na "PUREGOLD" puta ang astig man. parang may nakikita akong aura na katulad kay goku na parang ewan. basta maganda siya kapag tinignan mo, tas ang laki pa. tas yung mga ilaw na sasakyan parang kakaiba. basta mahirap sya ipaliwanag e. tas kapag titingin ako sa mga puno iba yung dating nya sakin. tas feeling ko napakalinaw ng mata ko. ultimo salagubang na nakakapit sa puno nakikita ko. basta para sakin kakaiba sya. Maya-maya dumating na yung tropa ko dala yung mga binili nya tas sabay tanong sakin. "nasan na ung aso pre?" tas bigla kong naalala na may kasama pala kong aso na dapat kong bantayan. Putcha nagalit sakin yung tropa ko na yon. Sa sobrang galit kung ano-ano na nasabi saking masasakit na salita. Kesyo di ko daw alaga kaya wala daw akong pakialam. basta kahit ako nagagalit sa kanya non e. Wala daw akong care sa hayop, pero di naman totoo yon. mahilig kaya ako sa aso. Tsempo lang talagang naka shrooms ako non kaya yon. Edi naglakad lakad kami, kung san san kami nakarating makita lang yon aso nya. Hanggang sa sumuko nalang ako at umuwi. Pagbalik namin sa kanila panay parin parinig nya sakin. kaya nawalan na ko ng ganang uminom non at tumambay sa kanila. Kaya umuwi nalang ako samin. Nagalit din ako sa kanya non, isipin mo? magsasama ka ng aso na maliit pa. tas walang miski anong tale? diba? katangahan yon diba? sinabi ko na sa kanya nung una palang na pauwiin na nya yung aso kaso medyo malayo yung pupuntahan namen. pero wala e, gusto nya talaga isama para daw makapag stroll naman yung aso nya. ayun nagstroll tuloy ng tuluyan haha. Nung nakauwi na ko samin di parin maawala sa isip ko yon pero alam ko na sabog parin ako sa shrooms non. kaso kapag titingin ako sa pader namin parang may nakikita akong tuldok tuldok tapos kapag pinagkonek konek mo yon makakabuo ka ng isang imahe na muka na di ko malaman kung sino. don palang natatakot na ko kase parang iba yung muka e. parang demonyo na ewan. basta nakakatakot sya, kaya itinulog ko nalang para pag gising ko wala na yong nararamdaman kong galit tsaka amats ng shrooms. Di pa don natatapos yung putang inang shrooms na yon. Nung nakatulog na ko bigla kong nanaginip, yung panaginip ko parang totoo. Yung kung ano nangyayari mismo sa loob ng bahay namin sa araw-araw. Basta naaalala ko non sa panaginip ko, naglalaro ko ng computer tas sila erpats nasa likod ko lang natutulog kase ayaw nila sa kwarto kase daw maiinit. nasa labas kasi ng kwarto nakapwesto ung PC namin. Tas biglang umuubo ubo ng malaks si erpats na parang may TB. Basta iba na ung ubo nya e hanggang sa nakita ko mismo may lumabas na dugo nung pagubo nya. tas don sa panaginip ko dinala namin sya sa hospital, don sa hospital nagsasalita sya na parang naghuhuling habilin na sya. puta di ko mapigilan iyak ko non. basta humahagulgol ako, sinasabe ko sa kanya na wag na syang manigarilyo. pati ako mag ququit na din. basta makasama ko pa sya ng matagal. tas yon biglang di na sya huminga. inuuntog ko pa nga yung ulo ko non kasi nagagalit ako sa sarili ko e. kasi nakita ko syang ganon tas wala akong magawa. tas habang inuuntog ko ung ulo ko don nagising na ko. buti panaginip lang kako. pero nagtataka ko, bakit yung panaginip ko natatandaan ko lahat ng detalye. basta pag gising ko non basang basa yung muka ng luha. yung iba nanigas na at naging muta. tas hinahap ko si erpats, nakita ko sya nasa labas nag kakape habang nag yoyosi. don niyakap ko sya tas tinapon ko yung sigarilyong hawak nya. pero wala din e nag sindi parin sya. tas tinatanong nya ko kung umiyak ba ko. di ko nalang sinabe sa kanya kung ano napaniginipan ko. pero alam ko sa sarili ko kung bakit ako nakakaisip ng mga ganon e dahil sa putang inang shrooms na yon na kahit kelan di ko na ulit susubukang kainin. Kasi kahit kelan di pa ko nanaginip ng ganon. Pero sabi ng iba. dipende naman daw yon sa taong nagtake. basta kahit ano pa yon puta di ko na ulit uulitin yon. Kaya ikaw? wag ka basta basta papaudyok kapag may nagaalok sayo na never mo pang na testing. Kahit shrooms o marijuana man yan o kung ano pa. Ako minsan nanguudyok ako. Pero kaya ko lang nagagawa yon e para sukatin ang kanilang pagkatao. Tinitignan ko kung mabilis ba sila maudyukan. Kasi di maganda yon, baka di mo alam. sa pagtanggap mo ng inaalok nila e napapasama kana pala. Kaya ko nga pala nagawa to kasi wala kong masabihian na iba e. eto lang ang naiisip ko kung pano ko ma eexpress tong saloobin ko. di naman kase ako makwento kahit sa tropa o pamilya pag dating sa ganto :)
Subscribe to:
Posts (Atom)